17.4 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

Regional Launching ng Barangay Project HAPAG, ginanap sa Barangay Sta. Maria, Alaminos City, Pangasinan

Nakiisa ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa isinagawang Regional Launching ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay sa Barangay Project (HAPAG) ngayong araw ika-5 Hunyo 2023.

Layunin ng programa na hikayatin, palakasin at paunlarin ang mga gawaing pang-agrikultura sa pamamagitan ng pagtatanim ng prutas at gulay sa espasyo ng kanilang barangay pati na rin sa kani-kanilang bakuran.

Pinangunahan ni CLGOO Victoria Jean P. Dawis ng Department of Interior and Local Government – Alaminos City ang nasabing programa at nagpaabot naman ng suporta si Mayor Arth Bryan C. Celeste sa pamamagitan ni Vice Mayor Jan Marionne Fontelera.

Ang matagumpay na launching ng HAPAG ay pinangunahan ng City Agriculture Alaminos katuwang ang Barangay Sta. Maria ng Lungsod.

Source: LGU-Alaminos

Panulat ni manlalakbay

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles