Binisita at naghatid ng tulong ang Sta. Ana Local Government Unit para sa mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan sa Barangay San Agustin, Sta Ana, Pampanga nito lamang Sabado, ika-3 ng Hunyo 2023.
Ang nasabing pagbisita at pagbibigay ng tulong ay pinangunahan ng mga opisyal ng barangay katuwang ang Sta. Ana PNP.
Naghandog ng mga food packs sa anim na dating rebelde bilang agarang tulong sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Patuloy ang pagsisikap ng ating gobyerno upang maihatid ang iba’t ibang tulong at serbisyo sa lahat ng mga mamamayang Pilipino.