17 C
Baguio City
Tuesday, October 22, 2024
spot_img

Van nahulog sa bangin sa Bontoc, Mt. Province; driver sugatan

Sugatan ang isang driver matapos mahulog sa bangin ang kanyang minamanehong van sa Dantay Alaba Oriente, Bontoc, Mt. Province nito lamang Hunyo 1, 2023.

Batay sa imbestigasyon ng Bontoc PNP, ang white commuter van na may plakang XDS 417 ay nanggaling sa Otucan, Bauko, Mt. Province at habang nagmamaneho ay nakatulog umano ang drayber nito dahilan upang mahulog ang kanyang minamanehong sasakyan sa bangin na may lalim na 15 meters.

Kaagad naman itong nerespondehan ng Bontoc PNP, Bureau of Fire Protection at mga residente. Agad naman dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Nagpa-alala naman ang Bontoc PNP na maging maingat sa pagmamaneho upang makaiwas sa anumang aksidente sa daan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles