Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa mga awtoridad sa Barangay Lower Bangad, Tinglayan, Kalinga nito lamang Mayo 30, 2023.
Ang isinukong armas ay isang uri ng Homemade Caliber 38 short fire arm revolver.
Hindi na pinaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng armas para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng pagsasagawa ng Barangay Visitation, Oplan Katok at Oplan Bakal Sita bilang bahagi ng Anti-Criminality Campaign ng PNP.
Ito ay naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad at maiwasan ang anumang panganib dulot ng pagdadala ng nakakamatay na baril.