Maayos at matagumpay ang isinagawang SPES Examination and Interview na dinaluhan ng 48 na aplikante sa Don Leopoldo Convention Center, Alaminos City, Pangasinan nito lamang ika-31 ng Mayo 2023.
Programa ito ng Department of Labor and Employment – Western Pangasinan Field Office sa pangunguna ni Chief Labor and Employment Officer Darwin G. Hombrebueno katuwang ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Supervising Administrative Officer/ OIC – PESO Manager Eleanor T. Bruno.
Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng pansamantalang trabaho ang ating mga estudyanteng Alaminians upang magkaroon sila ng karagdagang pantustos sa kanilang pag-aaral.