Nagsagawa ng surprise inspection ang mga tauhan ng Angeles City Environment and Natural Resources (CENRO) sa Pampang Public Market ng Angeles City nito lamang Martes, ika-30 ng Mayo 2023.
Ang naturang inspeksyon ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang sa pagpapatupad si City Engineer Donato Dizon.
Ang surprise inspection ay kaugnay sa City Ordinance 431 at Republic Act (RA) 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Ininspeksyon ng naturang grupo ang mga basurahan ng mga tindahan sa loob ng naturang palengke upang masiguro na sumusunod sa mga batas at mapanatili ang kalinisan sa kanilang nasasakupan.