23.2 C
Baguio City
Tuesday, October 22, 2024
spot_img

Libreng Spay at Neuter para sa mga fur-babies, tuloy-tuloy na umaarangkada sa Tarlac City

Tuloy-tuloy na umaarangkada ang programa ng Pamahalaan ng Tarlac City na libreng spay at neuter para sa mga alagang fur-babies na ginanap sa New Plaza, Tarlac City, Tarlac nito lamang Sabado, ika-27 ng Mayo 2023.

Ang naturang programa ay pinamunuan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang City Veterinary Office at International Wildlife Coalition Trust (IWCT).

Umabot sa 30 na fur-babies ang sumailalim sa naturang operasyon.

Ayon sa Tarlac City Information Office, ito ay naglalayong mabawasan ang pet overpopulation at mga homeless pets sa kanilang nasasakupan.

Samantala, nagbigay ng paalala si Dr. Noel Soliman III, City Veterinary Office, sa mga nag-aalaga ng hayop na pabakunahan ang kanilang mga alaga ng anti-rabbies.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles