Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa mga awtoridad sa Barangay Ducligan, Bucloc, Abra nito lamang ika-29 ng Mayo 2023.
Ang isinukong armas ay isang uri ng Homemade Gauge 12 Shot Gun Caliber 38 na walang marka.
Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng may-ari para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinasagawang serye ng Oplan Katok at Oplan Sita bilang bahagi ng Anti-criminality Campaign ng Bucloc PNP.
Ito ay naglalayong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng kriminalidad at terorismo.