16 C
Baguio City
Monday, October 28, 2024
spot_img

NPA, nasawi sa engkwentro sa Balbalan, Kalinga

Nasawi sa engkwentro ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pagitan ng mga awtoridad at nasa humigit kumulang 20 na NPA sa Sitio Angod, Barangay Poswoy, Balbalan, Kalinga nito lamang Mayo 3, 2023.

Positibong kinilala ng kapatid ng biktima ang namatay na si alyas “Ka Bombo”, 67 anyos, residente ng Brgy. Nambucayan, Tabuk City, Kalinga.

Napag-alaman na si “Ka Bombo” ay miyembro ng KLG BAGGAS ng Abraham Bannawagan Command at Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC).

Sa tulong ng retrieval operation ng Balbalan PNP, ay narekober ang bangkay na agarang dinala sa Tampco Funeral Home upang mabigyan ng disenteng lamay.

Narekober din sa lugar ang isang M16 rifle, dalawang short magazine na kargado ng bala, apat na backpacks, isang Improvised Explosive Device Detonator, tatlong blasting caps, apat na Command Detonated Explosives, medical kits at mga subersibong dokyumento.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa natitirang miyembro ng NPA na magbalik-loob sa gobyerno at iwan ang komunistang grupo na walang ibang dala kundi terorismo, insurhensiya at gulo na nagiging hadlang sa pagkamit ng tunay na kapayapaan at kaunlaran sa ating inang bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles