15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Libreng Spay and Neuter para sa mga Fur-baby hatid ng Tarlac City Government

Naghatid ang Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City ng libreng spay at neuter para sa mga alagang fur-baby na ginanap sa New Plaza, Tarlac City, Tarlac nito lamang Sabado, ika-29 ng Abril 2023.

Ang naturang programa ay pinamunuan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang City Veterinary Office at International Wildlife Coalition Trust (IWCT).

Umabot sa 42 na fur-baby ang sumailalim sa naturang operasyon.

Ayon sa Tarlac City Information Office, ito ay naglalayong mabawasan ang pet overpopulation at mga homeless pets sa kanilang nasasakupan.

Samantala, nagbigay ng paalala si Dr. Noel Soliman III, City Veterinary Office sa mga nag-aalaga ng hayop na pabakunahan ang kanilang mga alaga ng Anti-Rabbies.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles