Boluntaryong isinuko ng dalawang retiradong empleyado ng gobyerno ang kanilang short firearms sa Flora PNP sa Flora, Apayao nito lamang ika-26 ng Abril 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng dalawang dating empleyado ng gobyerno ang kanilang mga baril na isang 9mm Pistol ARMSCOR, na walang bala, at isang Caliber 45 Pistol NORIN, isang magazine na walang live ammunition.
Ang nasabing pagsuko ay kaugnay sa mas pinaigting na kampanya laban sa paggamit ng ilegal na armas sa buong bansa.
Patuloy naman ang panawagan ng mga pulisya sa mga mamamayan na isuko ang mga hindi rehistradong baril upang makaiwas sa posibleng maidulot nito na kapahamakan.