Dinaluhan ng mga mag-aaral ng Alaminos Central School ang Arts Program sa Alaminos City Library nito lamang ika-25 ng Abril 2023.
Layunin ng Arts Program sa Alaminos City Library na ipamulat sa mga bata ang kahalagahan at madagdagan ang kanilang kaalaman sa paglikha ng sining.
Nagbigay ng makabuluhang mensahe si City Vice Mayor Jan Marionne Fontelera na inirepresenta ni Executive Assistant II Aura Jyny Villena at ni Project Development Officer II Bjorn Cruz ng City Division Office na siyang nagbahagi ng story telling sa mga bata.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng lokal ng pamahalaan sa pamumuno ni City Mayor Arth Bryan Celeste katuwang ang Alaminos City Library sa pangangasiwa ni City Librarian Virgie E. Aquino.
Patuloy naman ang lokal na pamahalaan ng Alaminos City sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan, lalo na sa kabataan upang magkaroon ang mga ito ng magandang kinabukasan.
Source: LGU-Alaminos City, Pangasinan