Pangasinan – Inihahanda na ang higit 20,000 na Bangus na iihawin sa Venecia Highway Extension ng Dagupan City bilang tampok sa darating na Bangus Festival sa ika-30 ng Abril.
Sa halagang Php3,800 ay magkakaroon ng sarili nilang isang metrong ihawan kung saan makakapagluto sila ng limang kilo ng bangus at mayroon ding mga carbonated na inumin, iba pang mga materyales para sa pag-iihaw tulad ng uling, asin, plastic bag at sipit.
Mae-enjoy din ng mga dadalo sa isang gabing puno ng saya kasama ang mga banda at artista, tulad ng Ely Buendia, Sponge Cola, Gigi De Lana- GG Vibes, at Dj Loonyo.
Ang iba pang mga kaganapan sa pagdiriwang ay ang Bangusine (Cuisine showcase) na gaganapin sa Abril 26, Beach volleyball at iba pang mga kaganapang pampalakasan sa Tondaligan Blue Beach mula Abril 29 hanggang Mayo 1.
Inaasahan ng Pamahalaan ng lungsod ng Dagupan City na ligtas, maayos at matiwasay ang nasabing pagdiriwang.