25.6 C
Baguio City
Monday, September 23, 2024
spot_img

Bagong Animal Breeding Station, pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagaya

Pinangunahan ni Governor Manuel Mamba ang Bagong Animal Breeding Station na kung saan naipatayo ang nasa walong (8) bagong gusali sa Cagayan Animal Breeding Center at Agri-eco Tourism Park sa Zitanga, Ballesteros, Cagayan noong ika-16 ng Marso 2023.

Kabilang dito ang mga Veterinarian Admin Building, Staff house at caretakers’ quarter, turkey house na may ranging area, machinery shed, elevated water tank, native hogs’ house at centralized bin shelter na nagkakahalaga ng Php20,000,500.

Ang pagpapasinaya ay pormal na dinaluhan ni PCol Julio Gorospe Jr, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office kasama ang Department Heads ng kapitolyo, Purok Agkakakaysa members sa naturang lugar at ilang kawani ng kapitolyo.

Labis na tuwa at pasasalamat naman ang inihayag ni Dr. Noli Buen, Provincial Veterinarian ng Provincial Government Capitol sa ama ng lalawigan sa suportang ibinigay para sa katuparang mapaganda ang Cagayan Animal Breeding Center.

Ang layunin ng proyektong ito na madagdagan ang atraksyon ng probinsya na makakatulong sa tuloy-tuloy na pagganda ng turismo sa lalawigan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles