16.2 C
Baguio City
Monday, September 23, 2024
spot_img

Larong baril-barilan, nauwi sa kamatayan

Nauwi sa kamatayan ang dapat na masayang paglalaro ng dalawang magkapatid na 11 anyos at 9 anyos na residente ng Brgy. Demang, Sadanga, Mt. Province nito lamang Marso 15, 2023.

Ang dalawang magkapatid ay parehas na nag-aaral sa elementarya at naninirahan sa kanilang lolo, sa Brgy. Bekigan, Sadanga, Mt. Province.

Ayon sa ulat, pagkauwe ng magkapatid galing sa eskwelahan ay naglaro ang magkapatid nang nadiskubre nila ang isang caliber 22 riffle.

Kinuha at pinaglaruan ang baril na kanilang nakita at nang biglang aksidenteng napaputok ng 9 anyos na bata ang baril na tumama sa noo ng 11 anyos na kapatid na nagresulta sa biglaang pagkamatay.

Patuloy ang panawagan ng Sadanga PNP na maging responsibleng may-ari ng baril at iwasang maabot ng mga bata upang hindi na mangyari sa susunod.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles