Nagsagawa ng fumigation ang Pamahalaan ng Angeles City sa mga paaralan ng nasabing siyudad nito lamang Huwebes, ika-9 ng Marso 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office- Sanitation Division.
Binugahan ang mga bawat sulok ng paaralan kung saan namamahay ang mga lamok na may dalang sakit na dengue.
Layunin ng naturang fumigation ang maprotektahan ang kalusugan ng mga bata at mapuksa ang tinitirhan ng lamok upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.
Patuloy ang mga programa ni Mayor Lazatin Jr., na lubos na nakakatulong sa kanyang mga nasasakupan.