18.8 C
Baguio City
Saturday, September 21, 2024
spot_img

Mga armas ng CTG nadiskubre sa Nueva Ecija

Nadiskubre ng mga awtoridad ang mga armas na pinaniniwalaang kagamitan ng Communist Terrorist Group sa Sitio Cunacon, Brgy. Pias, General Tinio, Nueva Ecija nito lamang Martes, Marso 7, 2023.

Ayon sa mga awtoridad, natunton ang mga nakatagong armas sa tulong ng isang dating rebelde na nagbalik-loob noong Marso 3, 2023.

Narekober sa lugar ang dalawang cartridges ng 40mm M203 grenade launcher ammunition, isang hand grenade HE, 15 bala ng Cal. 5.56 at isang magazine ng M16 Rifle.

Samantala, patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa mga natitira pang miyembro ng CTGs na magbalik-loob sa gobyerno upang makamtan ang tunay na kapayapaan at makapiling ang kanilang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles