Nasa 200 na magsasaka ang nakatanggap ng fertilizer voucher na inisyatibo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Alaminos City, Pangasinan sa Brgy. Cabatuan at San Vicentenito, Alaminos City, Pangasinan nito lamang ika-04 ng Marso 2023.
Ito ay mula sa Department of Agriculture Region I under National Rice Program na ipinaabot ng City Agriculturist Arceli Talania.
Dumalo sa nasabing distribusyon at nagbigay ng makabuluhang mensahe sina Regional Executive Director Annie Bares na kinatawan ni Maria Remedios Pajaten, City Vice Mayor Jan Marionne Fontelera na kinatawan ni Executive Assistant II Hecson Lee De Vera, Board Member/City Councilor Arthur Celeste Jr., PB Rogelio Bantola na kinatawan ni kagawad Nenita Victo at ibang kawani ng City Agriculture Office.