Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm Sa mga tauhan ng Paracelis Municipal Police Station, Mt. Province nito lamang Huwebes, Pebrero 23, 2023.
Ang isinukong armas ay isang uri ng Caliber 38 revolver na walang serial number, markings at live ammunitions.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng implementasyon ng Oplan Katok, mga isinasagawang serye ng Brgy. Visitations at sa pagpapaigting sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan at sa tulong ng mga Advocacy Support Groups ng naturang lugar.
Patuloy ang mga awtoridad sa panawagan sa iba pang may-ari ng baril na walang kaukulang dokumento na isuko ito sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang hindi magkakaroon ng kaso.