Ipinagdiriwang ang Mardi Gras: Festival of Living Colors sa Burnham Lake Baguio City nito lamang ika-20 araw ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mahigit 24 na kalahok na nagpakita ng iba’t ibang talento at kakaibang costumes na nagmula sa iba’t ibang lungsod at lalawigan ng Cordillera.
Ang aktibidad ay bahagi ng Panagbenga Festival 2023 at tugon sa hiling ng LGBTQIA+ Community bilang pakikiisa sa nasabing pagdiriwang.
Ang nagwagi ay nabiyayaan ng Php35,000, para naman sa 2nd Runner-up ay Php20,000 at Php10,000 para sa 3rd Runner-up.
Ang Mardi Gras: Festival of Living Colors ay nagbigay-aliw sa mga mamamayan at turista na dumalo.