Nadiskubre ng mga awtoridad ang mga kagamitan ng Communist Terrorist Group sa Brgy. Sta Lucia Old, Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang Sabado, Pebrero 4, 2023.
Ayon sa mga awtoridad, natunton ang mga nakatagong armas sa tulong ng isang dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Narekober sa lugar ang isang Cal. 38 Revolver, tatlong bala at isang hand grenade.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa natitirang miyembro ng makakaliwang grupo na lisanin na ang maling idolohiya at magbalik-loob sa gobyerno at yakapin ang totoong kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.