Nagsagawa ng Information Education Campaign Assembly para sa mga mag-aaral ng Matatalaib-Buno Elementary School at Armenia Elementary School nito lamang Biyernes, ika-3 ng Pebrero 2023.
Sa nasabing aktibidad ay nagbigay kaalaman ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office sa mga mag-aaral patungkol sa Ecological Solid Waste Management.
Layunin ng aktibidad na maturuan ang mga mag-aaral sa tamang pagtatapon at proper segregation ng mga basura.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa maigting na pagsulong sa mga programa patungkol sa pangangalaga ng kalikasan.