Muling nagsagawa ng pre-marriage orientation and counseling ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para sa mga magsing-irog na ginanap sa Tarlac City Hall nito lamang Biyernes, ika-3 ng Pebrero 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang City Population Office.
Nagbigay ng kaalaman patungkol sa Family Planning, Home Management, Responsible Parenthood, Love Languages, Healthy Lifestyle, Kahalagahan ng Breastfeeding at RA 9262.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pagbibigay ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.