23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

CTG member nagbalik-loob sa Mt. Province

Sumuko sa kamay ng pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Camp F. Montes, Poblacion, Bontoc, Mt. Province nito lamang Enero 31, 2023.

Kinilala ng mga awtoridad ang sumuko na si alyas “Chinu”, 29, walang asawa, manggagawa, residente ng Paracelis, Mt. Province at dating miyembro ng KLG Marco sa ilalim ng MPPPO Coplan Hinterlands 2023.

Batay sa ulat, payapang napasuko ang CTG member dahil sa isinagawang negosasyon ng mga pinagsanib na operatiba ng Mt. Province Provincial Mobile Force Company, Bontoc Municipal Police Station, Natonin Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit ng Mt. Province, Regional Intelligence Division Cordillera PROCOR at Philippine Army.

Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang M1 carbine rifle with serial no.6291534, isang magazine at limang live ammunition.

Ang pamahalaan ay patuloy na hinihikayat ang mga aktibong miyembro at tagasuporta ng komunistang grupo na sumuko sa pamahalaan upang mamuhay ng ligtas at payapa tungo sa pagkamit ng isang maunlad na bansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles