Patuloy ang pag-arangkada ng programang “Anghel Gabay sa Planadong Pamilya” ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa Brgy. Sinait at Balingcanaway, Tarlac City nito lamang Martes, ika-31 ng Enero 2023.
Ang programa ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor katuwang ang Tarlac City Population Commission Office.
Namahagi ng mga Free Subdermal Implant Insertion, Contraceptive Pills, Condoms at Family Planning Injectable para sa mga kababaihan ng mga naturang barangay.
Ang programa ay naglalayong magbigay ng tamang kaalaman sa pagpaplano at pangangalaga ng pamilyang Tarlakenyo upang masiguro ang kaayusan ng pamumuhay ng bawat pamilya sa ilalim ng kanilang programa.