Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa Conner Municipal Police Station, Conner, Apayao nito lamang Miyerkules, Enero 24, 2023.
Ang isinukong armas ay isang uri ng homemade Caliber 38 na may marking Smith and Wesson at walang serial number.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinasagawang serye ng Barangay Visitation, Pulong-pulong at koordinasyon sa mga Barangay Officials at Force Multipliers bilang parte ng kampanya kontra kriminalidad at nagbabadyang panganib na dulot ng terorismo.