Nagkaroon ng Pre-Marriage Counseling para sa humigit 60 na magkasintahan na residente ng Tarlac City nito lamang Biyernes, ika-27 ng Enero 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor katuwang ang Tarlac City Population Commission Office.
Nagbigay ng kaalaman patungkol sa family planning, budgeting at home management para sa mga kalahok.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pagbibigay ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.