16.7 C
Baguio City
Thursday, October 24, 2024
spot_img

131 Couples, ikinasal sa Mass Wedding sa Dagupan City

Nasa 131 na couples ang nag-isang dibdib sa isinagawang Diamond Jubilee Mass Wedding na pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez City Plaza, Dagupan City nitong Disyembre 16, 2022.

Ayon kay Mayor Fernandez, dapat panatilihin ang pagmamahalan ng mag-asawa at laging alalahanin ang unang sandali na sila ay na-in-love sa isa’tisa.

Kailangan din aniya na maging malapit pa rin sa mga magulang ang mga couples kahit na sila ay kasal na.

Ayon kay City Fiesta 2022 Hermano Mayor Councilor Michael Fernandez, bahagi ng Diamond Jubilee at ng City Fiesta 2022 ang malaking kasalan dahil na rin ang buwan ng Disyembre ang pinakamasayang buwan ng taon.

Pinayuhan naman ni Vice Mayor Bryan Kua ang mga couples na gawing sentro ng kanilang pagsasama ang Panginoon.

Ipinaabot din ni Fourth District Congressman Christopher ‘Toff’ de Venecia, sa pamamagitan ni Atty. Gerald Tabadero, ang pasasalamat niya dahil napili siyang isa sa mga ninong ng mga ikakasal.

Isang makabuluhang mensahe rin ang ipinaabot ni City Legal Officer Atty. Aurora Valle sa mga couples.

Ayon sa kanya hindi dapat abusuhin, maliitin, saktan o maltratuhin ang asawa kundi dapat panatilihin ng pagmamahalan, appreciation at loyalty sa isa’t isa.

Malaking tuwa ang namayani sa puso ng mga ikinasal sapagkat tumanggap din sila ng cake mula sa lokal na pamahalaan at regalo mula kay Congressman De Venecia.

Pinangunahan ni City Population Officer Malen Bernadette Pilon, CPO staff at Barangay Service Point Officers ang naturang pagdiriwang.

Dumalo din si Executive Assistant III Atty. Froilan Fermil na tumulong din sa paghahanda ng affidavit of cohabitation sa mga nagsasama na ng limang taon o mahigit pa na di pa ikinakasal.

Ang adhikain ng ating gobyerno na gawing legal ang ugnayan ng mga matagal ng nagsasama sa iisang bubong ng mga magsing-irog na walang basbas mula sa Panginoon ay isang kalugod lugod na proyekto ng ating gobyerno.

Source: Dagupan City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles