24.3 C
Baguio City
Tuesday, October 22, 2024
spot_img

Food packs ibinahagi ng LGU Nueva Ecija

Namahagi ng food packs ang Lokal na Pamahalaan ng Gabaldon, Nueva Ecija para sa mga katutubong Dumagat na nakatira sa Sitio Mabaldog, Brgy. Ligaya, Gabaldon, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-8 ng Disyembre 2022.

Ito ay sa pangunguna ni Hon. Jobby P Emata, Mayor ng Gabaldon, Nueva Ecija katuwang ang mga tauhan ng First Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija PNP.

Namahagi ng mga food packs sa mga katutubo at nagbigay kaalaman ang PNP patungkol sa mga batas kaugnay sa Anti-Illegal Drugs.

Patuloy ang Pamahalaan ng Gabaldon, Nueva Ecija sa pamimigay ng tulong lalo na sa mga katutubo na nakatira sa liblib at malalayong lugar upang maihatid ang mga serbisyo at maramdaman ng mga katutubo na sila ay parte at pinapahalagahan ng pamahalaan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles