16.5 C
Baguio City
Sunday, October 20, 2024
spot_img

3 sugatan sa banggaan sa Atok, Benguet

Sugatan ang tatlong indibidwal matapos ang banggaan ng isang Toyota FX at isang Toyota Hilux sa kahabaan ng Km. 31, Halsema Highway, Brgy. Topdac, Atok, Benguet. nito lamang Sabado, Disyembre 3, 2022.

Kinilala ang mga sugatan na sina Mr. Lucas Pidaso Baoidan, 85, may-asawa, magsasaka, kasama ang asawa nito na si Mrs. Polumen Carino Baoidan, na pawang residente ng Sitio Ay-ay, Brgy. Ampusongan, Bakun, Benguet at ang drayber ng Toyota Hilux na si Prudencio Domilio Laduan, 56, may-asawa, magsasaka, residente ng Sitio Central, Brgy. Bangao, Buguias, Benguet.

Ayon sa ulat, habang binabaybay ng mga sakay ng Toyota FX ang daanan patungong La Trinidad, Benguet ay nasalubong at nagsalpukan ang isang Toyota Hilux na patungo naman sa Buguias, Benguet.

Ang mga biktima ay agad dinala sa Cordillera Hospital of the Divine Grace (CHDG), La Trinidad, Benguet dahil sa kanilang natamong mga sugat at para sa kanilang agarang lunas at atensyong medikal.

Samantala, kaagad namang nagkasundo ang dalawang panig na parehong pumayag sa ammicable settlement.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles