14.9 C
Baguio City
Sunday, October 20, 2024
spot_img

PESO Job Fair, umarangkada sa Pangasinan

Ang Provincial Government of Pangasinan sa pamumuno ni Governor Ramon “Mon-Mon” Guico katuwang ang Pangasinan Public Employment Services Office (PESO) na pinamumunuan ni Ma. Richelle M. Raguindin, ay nagsagawa ng job fair caravan sa bayan ng Umingan, Pangasinan nitong Disyembre 1, 2022.

Ang PESO job fair caravan ay isinagawa upang mailapit at mabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng bayan at kalapit-bayan na magkaroon ng maayos na trabaho.

Nagpapasalamat naman ang mga job seekers kay Governor Guico, sa Pangasinan PESO at sa lokal na pamahalaan ng Umingan, Pangasinan sa oportunidad na naibigay sa kanila.

Ayon sa datos, may 14 aplikante ang hired on the spot. Siyam na local companies at dalawang overseas companies naman ang nakilahok sa nasabing aktibidad.

Ang ating gobyerno ay patuloy na inilalapit sa ating mga kababayan ang  mga programang makakatulong sa ating mga kababayan upang sila ay magkaroon ng maayos na hanapbuhay.

Source: Province of Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles