Aurora – Naglunsad ang Pamahalaan ng Dinalungan ang Project Zero Plastik sa Brgy. Mapalad, Dinalungan, Aurora nito lamang Huwebes, Disyembre 1, 2022.
Ito ay pinamunuan ni Hon. Manuel A Torres, Mayor ng Dinalungan katuwang ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Armed Forces of the Philippines.
Ang mga naipon na plastic bottle ng mga residente ay ipapalit sa isang kilo ng bigas.
Ang proyekto na ito ay naglalayong matulungan ang kalikasan mula sa problema sa climate change at matugunan ang pangangailangan ng mga residente ng nasabing lugar.