Naghandog ng wheelchairs ang City Government ng Angeles para sa mga senior citizens at differently-abled mula Brgy. Margot at Lourdes Northwest, Angeles City nito lamang Lunes, ika-28 ng Nobyembre 2022.
Pinangunahan ng mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo Lazatin, City Mayor.
Ipinamahagi ang apat na wheelchairs para sa mga piling benepisyaryo upang hindi mahirapan sa paglakad at pag-upo.
Patuloy ang pamimigay ng City Government ng Angeles sa paghahatid ng serbisyo sa mga residente ng kanilang nasasakupan.