Namigay ng tulong ang Provincial Government ng Pampanga sa mga residente ng iba’t ibang barangay ng naturang lalawigan nito lamang Biyernes, ika-25 ng Nobyembre 2022.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Vice Governor Lilia Pineda katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office, Medical Assistance Office, at Provincial Treasurer’s Office.
Nabigyan ng tulong pinansyal, medikal, burial at grocery packs ang umabot sa 750 na Kapampangan.
Sinisiguro ng Provincial Government ng Pampanga na patuloy ang pamimigay ng iba’t ibang tulong sa mga mamamayan na kanilang nasasakupan.