Namahagi ng Monde Mamon ang Pamahalaan ng Angeles City para sa mga bata na residente ng Brgy. Sapang Bato, Angeles City nito lamang Lunes, Nobyembre 21, 2022.
Ito ay pinamunuan ni Mayor Carmelo Lazatin, Mayor ng Angeles City katuwang ang Angeles City Nutrition Office.
Umabot sa 57 na bata ang nabigyan ng tinapay sa nasabing lugar.
Labis naman ang tuwa ng mga bata sa natanggap na pagkain.
Layunin nito ang matugunan ang problema sa pagkain at kalusugan ng mga bata.