17 C
Baguio City
Thursday, October 24, 2024
spot_img

SM City Tuguegarao, mainit ang unang araw nang pagbubukas

Mainit sapagkat dinayo ang opisyal na pagbubukas ng SM City Tuguegarao noong November 18, 2022 na matatagpuan sa Bagay Road corner Diversion Road, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang ika-82nd Supermall at pangatlo sa Region 2 kasunod sa SM Center Tuguegarao Downtown at SM City Cauayan.

Matatagpuan sa isang 146,909.87 square meter site ang two-level mall na may 62,000 square meter floor area at magsisilbi sa mga mamimili sa Tuguegarao, Penablanca, Iguig, Enrile, Solana, Tuao, at Piat sa Cagayan gayundin sa mga kalapit na probinsya tulad ng Kalinga at Apayao.

Higit pa riyan, ito ay magiging isang oportunidad para sa negosyo at magbibigay ng trabaho sa lugar.

Maraming kilalang pangalan ng mga stores sa loob ng mall at meron din mga local businesses, kaya’t di na kailangang lumuwas pa ng mga Cagayano patungong Manila.

Para rin sa kaginhawahan ng mga kostumer at magandang karanasan ng mga pupunta sa naturang pasyalan, ang pinakabagong SM sa Cagayan ay mayroong 2,299 na parking slot para sa mga regular na sasakyan, PWD na sasakyan, at motorsiklo. Ang transport hub nito sa loob ng mall complex ay nagbibigay sa mga mamimili ng maraming available na option sa transportasyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles