Ang Pamahalaan ng Tarlac City ay naghandog ng maagang pamasko para sa mga senior citizens ng Tarlac City nito lamang Biyernes, Nobyembre 18, 2022.
Ito ay pinamunuan ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) City Treasurer’s Office, Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) and Public Order Safety Office (POSO).
Tinatayang 6,377 na senior citizens ang nakatanggap ng Php500 bilang maagang pamasko.
Samantala, nagpasalamat ang mga senior citizens sa ibinigay na pamasko.
Patunay na ang pamahalaan ng Tarlac City ay inuuna ang kapakanan at ikauunlad ng kanilang nasasakupan.