Nagsagawa ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous earthquake drill ang Office Civil Defense (OCD) sa Cagayan noong Nobyembre 10, 2022.
Bandang alas 9:00 ng umaga nang isagawa ang “Ceremonial Pressing of the Button” ng OCD na hudyat din sa lahat ng kalahok kasama na ang mga kawani ng PDRRMO, MDRRMOs at mga uniformed personnel sa probinsya maging sa iba’t ibang panig ng bansa na makiisa sa “duck, cover and hold” exercise.
Ayon sa PDRRMO, regular na nakikibahagi ang kanilang tanggapan sa nasabing aktibidad upang mapanatili ang kahandaan at kaalaman ng bawat isa sa pagprotekta sa sarili at ng mamamayan sakaling magkaroon ng lindol.
Ang aktibidad ay isinasagawa apat na beses kada taon para umano sa promosyon ng kahandaan sa lindol at disaster resiliency. Source: Cagayan PIO