Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa pamimigay ng tulong pinansyal para sa mga senior citizen na mga residente ng Brgy. Pulungbulu, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-9 ng Nobyembre 2022.
Pinangunahan ni Mayor Carmelo Lazatin Jr., ang pamimigay ng tulong pinansyal, mga vitamins at bigas para sa mga senior citizen na may edad 90-99 anyos.
Samantala, maliban sa tulong pinansyal ay mabibigyan rin ng libreng check-up at laboratory test mula sa City Health Office at Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy silang magbibigay ng tapat na serbisyo sa mga residente ng kanilang nasasakupan.