Nagsagawa ng Pre-Marriage Orientation and Counseling ang Tarlac City Population Commission Office sa pamahalaan ng Tarlac City nito lamang Biyernes, Nobyembre 4, 2022.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang Tarlac City Population Commission Office.
Umabot sa 17 na magsing-irog ang nabigyan ng kaalaman at paghahanda bago ikasal.
Layunin nito ang magbigay gabay sa mga mamamayan ng Tarlac tungo sa maayos at maunlad na pamilya.