Namigay ng pusong mamon at facemask ang City Nutrition Office sa 33 barangay ng Angeles City nito lamang Lunes, Oktubre 24, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., kasama ang City Nutrition Office.
Umabot sa 1,500 na bata ang nabigyan ng pusong mamon at facemask sa lungsod ng Angeles.
Layunin nito ang mabawasan ang bilang ng malnourished na bata sa tulong ng programa ng pamahalaan ng Angeles City na patuloy sa pagpapanatili ng kaayusan at mapabuti ang kinabukasan ng kanilang nasasakupan.