Namahagi ng mga bags ang Lokal na Pamahalaan ng Cabatuan, Isabela sa mga estudyante na nag-aaral sa mga eskwelahan ng Cabatuan, Isabela noong ika-22 ng Oktubre 2022.
Masayang tumanggap ang 2,310 na mag-aaral na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral.
Ang mga ipinamahaging bag ay may pitong klaseng kulay at sadyang walang tatak.
Layunin nito na mabawasan ang gastos ng mga Cabatuanense para sa darating na full face-to-face classes na magsisimula sa Nobyembre 2, 2022.
Source: Sinag Haraya fb Page