Umarangkada ang Pre-Marriage Orientation and Counseling sa Pamahalaan ng Tarlac City nito lamang Biyernes, Oktubre 21, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City at pinangunahan ng Tarlac City Population Commission Office.
Umabot sa 14 na magsing-irog ang nabigyan ng kaalaman patungkol sa family planning, pagiging isang responsableng magulang, at kung paano magbudget.
Patunay na ang pamahalaan ng Tarlac City ay hindi tumitigil sa pagpapanatili ng kaayusan at unahin ang kinabukasan ng kanilang nasasakupan.