17.1 C
Baguio City
Wednesday, April 2, 2025
spot_img

MSWDO Bayambang, sinimulan na ang pamamahagi ng Social Pension para sa 1st Quarter

Sinimulan na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pamamahagi ng social pension para sa unang quarter ng taon noong Marso 26, 2025.

Ang unang payout activity ay ginanap sa Barangay Inanlorenza Covered Court, kung saan daan-daang kwalipikadong senior citizen mula sa Barangay Idong, Sanlibo, at Inanlorenza ang nakatanggap ng kanilang pensyon.

Magpapatuloy ang payout activity hanggang Biyernes, Marso 28, 2025, sa iba’t ibang itinakdang venue upang masigurong lahat ng benepisyaryo ay makatatanggap ng kanilang pensyon.

Ayon sa MSWDO, ang social pension ay isang programa ng gobyerno na naglalayong magbigay ng pinansyal na suporta sa mga mahihirap at kwalipikadong senior citizen upang matulungan sila sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Source: Balon, Bayambang

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles