Tuloy-tuloy na umaarangkada ang Walang Plastikan-Plastik Palit Bigas Project ng Angeles City Local Government Unit (LGU) sa Barangay Mining, Angeles City, Pampanga nito lamang Lunes ika-21 ng Oktubre 2024.
Ang naturang programa ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Angeles City sa ilalim ng pamumuno ng butihing ama ng lungsod na si Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Kilo-kilong bigas ang natanggap at naipalit ng ating mga kababayan mula sa kanilang nakolektang basura na labis na ipinasalamat ng mga residente at tiyak na makakatulong sa kanilang pangaraw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.
Layunin ng proyekto na ipaalam sa kanilang mga nasasakupan ang kahalagahan ng wastong pagsesegregate ng basura at mabawasan ang mga kalat na nagiging sanhi ng pagbabara ng mga kanal, na nagdudulot ng pagbaha.