22.6 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

545 na biktima ng sunog sa San Carlos City, Pangasinan, nakatanggap ng Financial Assistance

Pinangunahan ni Governor Ramon V. Guico III ang pamamahagi ng financial assistance sa 545 stall owners na biktima ng malaking sunog sa Old City Public Market ng San Carlos City.

Ang aktibidad ay ginanap sa ilalim ng Social Assistance Program ng Pamahalaang Panlalawigan, nito lamang ika-20 ng Oktubre 2024.

Sa nasabing programa, tumanggap ng tig-limang libong piso ang 156 na stall owners. Ang 128 na peddlers ay nakatanggap ng tatlong libong piso bawat isa, habang 261 iba pang biktima ay binigyan ng tig-isang libong piso.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Gov. Guico, “Sana itong munting tulong ng ating lalawigan ay makatulong nang malaki kahit papano upang maibalik natin ang sigla ng ating kabuhayan sa palengke ng San Carlos City, Pangasinan.

Labis naman ang pasasalamat ng mga biktima sa natanggap nilang pinansyal na tulong, na nagbigay ng pag-asa at tulong sa kanilang mga naapektuhang kabuhayan. Kasama sa mga naghatid ng suporta sina Board Member Shiela Ferrer-Baniqued, Board Member Vici Ventanilla, at Vice Mayor Joseres Resuello.

Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng pangako ng lokal na pamahalaan na tumulong at magbigay ng suporta sa mga biktima, lalo na sa mga panahon ng krisis.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles