20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

4Ps sa Batanes, inilunsad ng DSWD

Matapos ang ilang taong pagpupulong, matagumpay na inilunsad ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa probinsya ng Batanes sa ginanap na ceremonial launching noong ika-15 ng Abril 2024.                      

Ang Batanes ang pinakahuling probinsya sa bansa na nagkaroon ng 4Ps, kung saan mayroong 297 na aktibong benepisyaryo na rehistrado sa ilalim ng Set 12.

Isa sa pangunahing parte ng aktibidad ang pagpirma ng Specific Implementation Agreement (SIA) sa pagitan ng DSWD Field Office 2 at ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes, lokal na pamahalaan ng Basco, Ivana, Mahatao at Uyugan kung saan laman ng SIA ang mga responsibilidad at tungkulin ng mga LGUs upang tiyakin ang mabisa at epektibong pagpapatupad ng programa sa kani-kanilang mga munisipalidad.                   

Kasama sa nasabing selebrasyon sina Assistant Secretary for National Household Targeting System for Poverty Reduction and 4Ps Marites Maristela, Regional Director Lucia Alan, Governor Marilou Cayco, House Representative Ciriaco Gato Jr., ang mga Municipal Mayor na sina German Caccam, Celso Battalones, Pedro Poncio at Jonathan Enrique Nanud Jr., Landbank of the Philippines Basco Manager Joseph Caliguiran at iba pang mga partners mula sa National Government Agencies at private organizations.                        

Samantala, nagsagawa din ng seremonyal na pagbibigay ng cash cards para sa 170 na benepisyaryo mula sa Basco, Ivana, Mahatao at Uyugan.  Laman ng mga ito ang kanilang grants para sa ikaapat at ikalimang payment period.

Source: DSWD II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles