Mahigit 300 pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa Tarlac City ang sumailalim sa Community Needs Assessment Orientation ng “Pambansang Pabahay para sa Pilipino” o 4PH Program na itatayo sa Tarlac City na ginanap sa Tarlac City Information Office nito lamang ika-12 ng Abril 2024.
Naging posible ang programa sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod ng Tarlac sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles na personal na nakipag-ugnayan sa National Government sa ilalim ng inisyatibo ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSHUD) na matugunan ang kakulangan ng pabahay sa bansa.
Patunay lamang na ang kasalukuyang administrasyon katuwang ang lokal na pamahalaan ng Tarlac ay handang maghatid ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng dekalidad na pabahay para sa mga mamamayan lalo na ang mga walang tahanan tungo sa isang maunlad na Bagong Pilipinas.