Nakatanggap ang 25 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng tulong para sa proyektong dried fish at bagoong production sa ilalim ng Enhanced Support Services Intervention (ESSI) nitong ika-25 ng Marso 2025.
Kabilang ang bayan ng Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan ang nakatanggap ng tulong kung saan ang kabuuang halaga ng proyekto ay tinatayang umabot sa Php375,000, na kinabibilangan ng mga supplies at materyales.
Bilang karagdagan, nagbigay ng suporta ang Lokal na Pamahalaan ng Sta. Ana sa pamamagitan ng pagpapagawa ng Fish Smoking Machine, na may halagang Php198,000.

Ang ESSI ay nakatutok sa pagtulong sa mga Indigenous People (IP) o katutubong benepisyaryo upang matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at patuloy nilang magampanan ang mga responsibilidad ng 4Ps gaya ng pagsunod sa mga kondisyon ng programa, gayundin upang iangat ang antas ng kanilang pamumuhay, at mapabuti ang kanilang kapakanan habang pinangangalagaan ang kanilang karapatan, kultura, at tradisyon.
Source: DSWD Region II