14.8 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

2024 Cagayan Provincial Meet, pormal ng binuksan sa Bayan ng Allacapan, Cagayan

Pormal ng binuksan ang Provincial Athletic association meet ng Cagayan (CPAA) noong Pebrero 1, 2024 sa bayan ng Allacapan.

Ang 2024 CPAA meet ngayong taon ay may temang “Batang malakas, bansang matatag”, na dinaluhan ng kabuuang 1,047 na mga atleta sa probinsya.

Taos pusong nagpasalamat ang DepEd sa pamamagitan ni Joselito Narag na naging kinatawan ni Regional Director Benjamin Paragas, kay Mayor Harry Florida at mga opisyales ng bayan sa bago at napakagandang sports complex na pinagrausan ngayon ng 2024 CPAA meet.

Tiniyak din nito na nakahandang tumulong ang DepEd R02 sakaling hilingin sa bayan ng Allacapan idaos ang Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA).

Sa kanya namang mensahe, inihayag ni 3rd District Board Member Rodrigo De Asis na siyang kinatawan ni Governor Manuel Mamba, ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga Cagayanong atleta.

Aniya, nakatutok ang PGC sa lahat ng mga pangangailangan lalo na pagdating sa edukasyon, kasama na diyan ang pasilidad, scholarship at iba pa.

Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Florida sa lahat ng tumulong para maisakatuparan aniya ang kanyang pangarap na sa kanilang lugar gaganapin ang CPAA 2024.

Sinaksihan din ni Vice Governor Melvin Vargas ang pagbubukas ng 2024 CPAA Meet na siyang tumatayo ngayong gobernador kasama ang ilang mga alkalde sa probinsya.

Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng masusing pagsubaybay sa pambansang sports event at upang tiyakin ang kumpletong pangangailangan ng mga atletang Cagayano.

Ito rin ay pagbibigay suporta para sa tagumpay ng bawat mamamayan sa naturang lungsod.

Source: Radyo Pilipinas Tuguegarao

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles